Kapalaran ng Kalikasan
Ni: Tristan Jhae C. De Vera Maraming naganap sa bilyong paglagi Daigdig na ating tinirhang kay sawi Hayun! Nagngingitngit, tangis ng paglumbay, Kailan kaya ‘to magkakarong saysay Dito lang sa bansa, ramdam na ang sigwa Kasakimang dulot ng taong pabaya Resulta’y gumimbal sa bayang nakaranas Ngayo’y nagsisisi, gawang walang lunas Dulot ng kemikal, sirang kalikasan Bunga’y nagpahirap sa taong nanahan ‘Di ko ninanais, itong ‘yong sinapit Bakit yaong tao, sa iyo’y malupit? Ngayo’y panahon nang itama ang mali Ngunit ‘di kay dali, iwaksi ‘tong sanhi O rosaryong puspos, dalhin aming sambit Kami ay tulungan, lansagin ‘tong pait Sa bawat problema, may solusyon man din Ngunit kay hirap man, kailangang sundin Pangngalang salita, ito’y disiplina, Kapwa Pilipino, ating gawin, sana