Isang Bansa, Isang Diwa
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
Perlas ng Silangan, kung siya’y turingan
Duyan ng magigiting na mamamayan
Hindi sumusuko sa anumang laban
Mabuhay! Ang sigaw pahanggan man
Si Legazping nanguna, winakasan ni de los Rios
Dala’y Katolisismo, siyang sandigan sa unos
Daan taong pananakop ng mga mestizo,
Dulot lamang nito’y kahirapan sa mga Indio
Hindi naglao’y, rebolusyo’y nagsimula
Sa pangunguna ng mga mamamayang makabayan
Inihayag noong Hunyo 12, araw ng ating paglaya
Lahing malaya, Pilipino ang ngalan
Lupang Hinirang, puspos sa biyayang yaman
Daluyan ng progreso, sa rehiyong kinabibilangan
Apihin man ng mga dayuhan,
Bughaw nasa rurok, ‘di patitinag kanino man
Kanyang haligi, matatag na demokrasya
‘Di matitibag sa isang kisap mata
Isang Bansa, Isang Diwang kaisipan
Republika ng Pilipinas, bansang ngalan!
Comments
Post a Comment