Kapalaran ng Kalikasan
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
Maraming naganap sa bilyong paglagi
Daigdig na ating tinirhang kay sawi
Hayun! Nagngingitngit, tangis ng paglumbay,
Kailan kaya ‘to magkakarong saysay
Dito lang sa bansa, ramdam na ang sigwa
Kasakimang dulot ng taong pabaya
Resulta’y gumimbal sa bayang nakaranas
Ngayo’y nagsisisi, gawang walang lunas
Dulot ng kemikal, sirang kalikasan
Bunga’y nagpahirap sa taong nanahan
‘Di ko ninanais, itong ‘yong sinapit
Bakit yaong tao, sa iyo’y malupit?
Ngayo’y panahon nang itama ang mali
Ngunit ‘di kay dali, iwaksi ‘tong sanhi
O rosaryong puspos, dalhin aming sambit
Kami ay tulungan, lansagin ‘tong pait
Sa bawat problema, may solusyon man din
Ngunit kay hirap man, kailangang sundin
Pangngalang salita, ito’y disiplina,
Kapwa Pilipino, ating gawin, sana
Comments
Post a Comment