Sinulid
Sinulid Ni: Tristan Jhae C. De Vera Alam mo ba kung ano ang sinulid? Hindi ba ito ay napaka-pino at mayroong iba’t ibang kulay? Ngunit ang sinulid ay isang hibla na kung pagbubuklurin ay makabubuo ng isang kasuotan. Tulad ng sinulid ang dinastiyang politikal na kung saan may iisang angkan ang namumuno sa isang lugar. Hindi biro ang paggawa sa isang kasuotan. Ito ay dumaraan sa maraming proseso tulad na lamang ng pagpili ng uri ng tela, mananahi, disenyo at lalung-lalo na ang kalidad at uri ng sinulid. Sastre at modesta ang tawag sa mga mananahi. Ang pinakamatibay at pinakamagandang sinulid ang gagamitin niya sa pananahi. Kahalintulad ng sinulid ang dinastiyang politikal. ...