Silyang Kongreso
Silyang Kongreso
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
Sa haba ng lagi, sakit lumaganap
Isyung Panlipunan, ang s’yang nagaganap
Isyung Panlipunan, ang s’yang nagaganap
Namamayani s’ya sa ‘ting isip; diwa
Di matapos tapos, nakasusuya na
Kada tatlong taon, tao’y naghahalal
Pinipili’y sikat: perang pinaluwal,
Pinipili’y sikat: perang pinaluwal,
‘Di s’ya ang may-ari, ‘toy kaban ng bayan
Dalisay kailan makamit ng duyan
Kay haba ng takbo, isang araw lang ‘to
Parito, paroon, hakot lang ay boto
Parito, paroon, hakot lang ay boto
Upang kanyang kamtin, pwesto sa gobyerno,
Ngunit ‘toy talamak, sa silyang Kongreso
Perahan lang itong sagradong eleksyon
Kaya sa hulihan, kaso ay korapsyon
Kaya sa hulihan, kaso ay korapsyon
Mula sa Espanyol, magpahanggang ngayon,
Korapsyong laganap, agapang solusyon
Ito’y epidemyang mahirap lunasan
Kalinangang isip, ang s’yang kailangan
Kalinangang isip, ang s’yang kailangan
Nang matapos na itong hirap ng bayan
Upang bunga nito’y s’yang kapayapaan
Comments
Post a Comment