Posts

Sinulid

Sinulid  Ni: Tristan Jhae C. De Vera                    Alam mo ba kung ano ang sinulid? Hindi ba ito ay napaka-pino at mayroong iba’t ibang kulay? Ngunit ang sinulid ay isang hibla na kung pagbubuklurin ay makabubuo ng isang kasuotan. Tulad ng sinulid ang dinastiyang politikal na kung saan may iisang angkan ang namumuno sa isang lugar.                    Hindi biro ang paggawa sa isang kasuotan. Ito ay dumaraan sa maraming proseso tulad na lamang ng pagpili ng uri ng tela, mananahi, disenyo at lalung-lalo na ang kalidad at uri ng sinulid.    Sastre at modesta ang tawag sa mga mananahi. Ang pinakamatibay at pinakamagandang sinulid ang gagamitin niya sa pananahi. Kahalintulad ng sinulid ang dinastiyang politikal.             ...

Silyang Kongreso

Silyang Kongreso  Ni: Tristan Jhae C. De Vera Sa haba ng lagi, sakit lumaganap  Isyung Panlipunan, ang s’yang nagaganap  Namamayani s’ya sa ‘ting isip; diwa  Di matapos tapos, nakasusuya na Kada tatlong taon, tao’y naghahalal  Pinipili’y sikat: perang pinaluwal,  ‘Di s’ya ang may-ari, ‘toy kaban ng bayan  Dalisay kailan makamit ng duyan Kay haba ng takbo, isang araw lang ‘to  Parito, paroon, hakot lang ay boto  Upang kanyang kamtin, pwesto sa gobyerno,  Ngunit ‘toy talamak, sa silyang Kongreso Perahan lang itong sagradong eleksyon  Kaya sa hulihan, kaso ay korapsyon  Mula sa Espanyol, magpahanggang ngayon,  Korapsyong laganap, agapang solusyon Ito’y epidemyang mahirap lunasan  Kalinangang isip, ang s’yang kailangan  Nang matapos na itong hirap ng bayan  Upang bunga nito’y s’yang kapayapaan

Kapalaran ng Kalikasan

Ni: Tristan Jhae C. De Vera Maraming naganap sa bilyong paglagi  Daigdig na ating tinirhang kay sawi  Hayun! Nagngingitngit, tangis ng paglumbay,  Kailan kaya ‘to magkakarong saysay Dito lang sa bansa, ramdam na ang sigwa  Kasakimang dulot ng taong pabaya  Resulta’y gumimbal sa bayang nakaranas  Ngayo’y nagsisisi, gawang walang lunas Dulot ng kemikal, sirang kalikasan  Bunga’y nagpahirap sa taong nanahan  ‘Di ko ninanais, itong ‘yong sinapit  Bakit yaong tao, sa iyo’y malupit? Ngayo’y panahon nang itama ang mali  Ngunit ‘di kay dali, iwaksi ‘tong sanhi O rosaryong puspos, dalhin aming sambit  Kami ay tulungan, lansagin ‘tong pait Sa bawat problema, may solusyon man din  Ngunit kay hirap man, kailangang sundin  Pangngalang salita, ito’y disiplina,  Kapwa Pilipino, ating gawin, sana

Isang Bansa, Isang Diwa

Ni: Tristan Jhae C. De  Vera Perlas ng Silangan, kung siya’y turingan  Duyan ng magigiting na mamamayan  Hindi sumusuko sa anumang laban  Mabuhay! Ang sigaw pahanggan man Si Legazping nanguna, winakasan ni de los Rios  Dala’y Katolisismo, siyang sandigan sa unos  Daan taong pananakop ng mga mestizo,  Dulot lamang nito’y kahirapan sa mga Indio Hindi naglao’y, rebolusyo’y nagsimula  Sa pangunguna ng mga mamamayang makabayan  Inihayag noong Hunyo 12, araw ng ating paglaya  Lahing malaya, Pilipino ang ngalan Lupang Hinirang, puspos sa biyayang yaman  Daluyan ng progreso, sa rehiyong kinabibilangan  Apihin man ng mga dayuhan,  Bughaw nasa rurok, ‘di patitinag kanino man Kanyang haligi, matatag na demokrasya  ‘Di matitibag sa isang kisap mata  Isang Bansa, Isang Diwang kaisipan  Republika ng Pilipinas, bansang ngalan!

#Freedom

By: Tristan Jhae C. De Vera Every year, citizens from different countries celebrate a momentous occasion for each and everyone, their freedom. This freedom or independence is the birth of a nation just like here in the Philippines, this freedom is celebrated as a special non-working holiday. Here in the Philippines, the Filipinos gathered around in one corner to observe our national day. Its celebration always starts in the 28 th of May with the displaying of the national flag in their homes, offices, and establishments. This is done to commemorate the first hoisting of the flag in a battle called Battle of Alapan in Cavite. After this commemoration day, the Filipinos started to wear Philippine-made textile products such as barong, terno, and indigenous clothing and fabrics. The funfair has also started with many children are enjoying those rides.   The Filipino language is also encourage to use as a support to the day where other nation recognized the country as a sovere...